Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ama ng anak at partner ni Alice nasaan?
Ama ng anak at partner ni Alice nasaan?

Ama ng anak at partner ni Alice nasaan?

NOONG Sabado, May 1, dumating ang mag-ina, at sa Ascott hotel sa BGC sila tumuloy dahil doon sila magku-quarantine ng 14 araw.

Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng anak “by surrogacy”  ay ibang babae ang nagsilang ng sanggol na ang pinagmulan ay ang ipinunlang fertilized eggs mula sa mga tunay na magulang ng sanggol.

Ang terminong “surrogacy” ay mula sa salitang “surrogate” na ang pinaka-simpleng kahulugan ay “substitute” o “kapalit.” Ang babaeng pinagpunlaan ng fertilized eggs ng mag-asawa ay binabansagang “surrogate mother.”

Isinasagawa ang surrogacy kapag delikado nang magdalantao ang isang babae at ang karaniwang dahilan ay dahil nasa edad na ang isang babae (na gustong magkaanak) na ‘di na safe na magdalantao. Fifty-one years old na si Alice.

Bago nagkaanak si Alice by surrogacy, ang sikat na sikat na babae sa bansa na nagkaanak sa ganoong paraan ay ang bantog na broadcaster na si Korina Sanchez (na ang mister ay ang dating senador na si Mar Roxas). Kambal pa nga ang naging anak nila na pinangalanan ni Korina na Pepe at Pilar (na mula sa kuwentong pambata na ang pangunahing tauhan ay sina Pepe at Pilar).

Napaka-siyentipikong paraan ng pagkakaroon ng anak ang surrogacy bagama’t masasabi pa ring may kaakibat itong misteryo.

Hindi ibinubunyag kung sino ang naging surrogate mother. At sa kaso ni Alice, mukhang sinasadya n’yang gawing mas mahiwaga ang sitwasyon n’ya.

Ayaw n’yang ipagtapat ang pangalan ng sanggol at tinatawag lang n’ya ito na “Baby A.” Ibig sabihin, ayaw din n’yang ipabatid sa madla ang kasarian (gender) ng sanggol, pati na kung ilang buwan na ito.

Pati nga ang mukha ng sanggol ay ‘di n’ya ipinakita sa video ng pag-uwi nila. Pawang ulo ng sanggol na nakatalikod ang ipinakita sa video na ipinost ng aktres sa Instagram n’ya. Ang laki na ng ulo ng bata at parang dalawa o tatlong buwan na siyang sanggol. Pati ang mga kamay ng sanggol ay malalaki. Mukhang malusog siyang sanggol.

Brown ang buhok ng sanggol. Mestiso o mestisa siya. Pero kahit na si Alice ay Fil-American. May suspetsa kaming foreigner ang partner ni Alice na isang top executive sa isang hotel chain na may branch sa Boracay na nanirahan si Alice noong panahong nakasara ang Boracay para i-rehabilitate.

May kasamang professional videographer si Alice kundi mula sa Amerika ay mula sa Ninoy Aquino International Airport, partikular na sa eroplanong sinakyan nilang mag-ina. May suspetsa kaming ang “partner” n’ya mismo ang videographer ni Alice. (For some reasons na si Alice lang ang nakaaalam, hindi “husband” kundi “partner” ang tawag niya sa “mister” n’ya.) At dahil siya ang kumukuha ng video, hindi n’ya kailangang makita sa kamera.

Sa isang Instagram videopost ni Alice noong 2018, na kuha sa first ABS-CBN Ball, ipinagtapat n’yang kasama n’ya ang partner n’ya na ayon sa kanya ay “GS” ang initials.

Noong 2017, sa isang interbyu sa Tonight with Boy Abunda sa ABS-CBN, naipagtapat n’yang four years na sila ng partner n’ya. Ang dating mister n’ya ay si Raymund Miranda na naging executive ng GMA 7 at sa paglaon ay ng ABS-CBN.

Hindi nabanggit ni Alice sa videopost n’ya kung saan sila maninirahan ng anak n’ya. Wala namang balitang hiwalay na sila ni GS pero ‘di naman siguro sa Boracay maninirahan si Alice at ang baby n’ya. Isa si Alice sa pangunahing bituin ng Legal Wives ng GMA 7 kaya malamang ay manatili siya at ang sanggol dito sa Metro Manila para sa muling lock-in taping para sa serye.

Alam n’yo bang ni hindi rin binabanggit ni Alice kung saan sa US isinilang ng surrogate mother ang anak n’ya.

Maging malihim man si Alice tungkol sa anak n’ya, parang wala namang dahilan para hindi siya maging napakabuting ina.

At buong-pusong pagbati namin sa kanya sa panahong ito: “Happy Mothers’ Day, Alice Dixson!” (DANNY VIBAS)

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top