Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora ‘di naitaas ang rating ng drama anthology
Nora ‘di naitaas ang rating ng drama anthology

Nora ‘di naitaas ang rating ng drama anthology

BIDA si Nora Aunor sa isang drama anthology noong isang gabi. Kasama niya si Ricky Davao. Kinabukasan nakikinig kami kung pag-uusapan iyon ng mga tao, wala kaming narinig. Nang ipasilip naming ang overnight ratings, hindi rin tumaas ang ratings ng anthology. Parang karaniwan lang. Siguro kahit na si Odete Khan ang gawin mong bida roon ganoon pa rin ang ratings.

Kailangan maging mapili na si Nora sa mga proyektong ginagawa niya. Ito na iyong panahong ang kailangan niyang isipin ay ang maiiwan niyang legacy. Nakagawa siya ng mga mahuhusay na projects noon, tapos ngayon gumagawa siya ng karaniwan, mga indie na hindi kumikita tapos in the end siya ang nasisisi kung flop.

Kaya nga siguro, sa status niya ngayon kailangan niya ng isang mahusay na adviser, kaso may problema naman, kailangan din niya ng pera para mag-survive kaya kung minsan nakatatanggap siya ng projects kahit na hindi na bagay sa kanyang status bilang isang aktres.

At saka sana makakuha siya ng isang mahusay na adviser talaga na may malasakit sa kanya, hindi kagaya noong basta nakalingat siya itatakbo na ang pera niya. Naranasan iyan ni Nora.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top