Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-utol tiklo sa P3.4-M shabu (Sa entrapment ops ng PDEA-Tarlac)
Mag-utol tiklo sa P3.4-M shabu (Sa entrapment ops ng PDEA-Tarlac)

Mag-utol tiklo sa P3.4-M shabu (Sa entrapment ops ng PDEA-Tarlac)

DINAKMA ng mga operatiba ang nagsipagtakbuhang magkapatid na nakuhaan ng tinatayang P3.4-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa inilatag na entrapment operation ng PDEA Tarlac, kaantabay ang Concepcion Municipal Police Station sa bayan ng Concepcion, lalawigan ng Tarlac, Linggo ng hatinggabi, 2 Mayo.
 
Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo ang mga suspek, batay sa ulat ni lA5 Joyian Cedo, team leader ng PDEA Tarlac, na sina Cervando Gayas, 26 anyos; at Aurora Gayas, 29 anyos, kapwa mga residente sa Lot 1 Blk. 318 C5 St., Brgy. Rizal, lungsod ng Makati.
 
Nakompiska ng mga operatiba mula sa mga suspek ang isang resealable plastic sachet na naglalaman ng 500 gramo ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng P3,400,000, isang Vivo cellphone, at marked money na ipinain sa mga suspek. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top