Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Pagsabit-sabit’ ni Aktor ‘di madaling kalimutan
‘Pagsabit-sabit’ ni Aktor ‘di madaling kalimutan

‘Pagsabit-sabit’ ni Aktor ‘di madaling kalimutan

KUNG minsan napakahirap takasan ang nakaraan. Noong isang gabi, napagkuwentuhan namin ang isang male star na sumikat din naman, pero hindi na aktibo ngayon. Ang kuwento ng isang dating movie writer na senior citizen na rin ngayon, na madalas daw niyang “bisita” ang male star noong hindi pa iyon artista at kapitbahay pa nila sa Caloocan.

“Posibleng totoo iyan,” sabi ng isa pang bading. “Kasi noon nakilala ko iyan at na-get sa loob ng isang sinehan sa Cubao. Tapos inaabangan ko iyan sa sakayan ng jeep sa Cubao dahil doon siya sumasakay pauwi sa kanila galing sa school. Game iyan talaga, pero noon pa two-ow-ow ang hinihingi niya dahil alam niya na pogi siya.”

Noong nasa showbiz na, marami ring sinabitan ang male star, na hindi alam ng manager niya. Pero sa itinagal-tagal ng panahon, may mga nakaka-alala pa rin ng mga milagro niya.

Napakahirap talagang itago ang isang madilim na nakaraan, lalo na at artista pa. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top