Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Negosyanteng guro nasukol (Top 11 most wanted ng Nueva Ecija)
Negosyanteng guro nasukol (Top 11 most wanted ng Nueva Ecija)

Negosyanteng guro nasukol (Top 11 most wanted ng Nueva Ecija)

INARESTO ang isang guro at negosyante na sinasabing top 11 sa listahan ng mga most wanted sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles, 28 Abril, ng mga kagawad ng Bongabon Municipal Police Station sa Brgy. Social, sa nabanggit na lugar.
 
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, na si Vilma Pulido, 50 anyos, negosyante, guro, residente sa Brgy. Kaingin, top 11 sa listahan ng mga most wanted sa bayan ng Bongabon.
 
Ayon kay P/Col. Santos, isinilbi ng warrant officer ng Bongabon municipal police station ang warrant of arrest na nilagdaan ni Presiding Judge Cheryl Gamalinda Encinares, Bongabon MTC laban sa suspek sa kasong estafa, may P80,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top