Friday , April 19 2024

Hollywood produ todo puri sa mga Pinoy actor 

TODO ang puri ng Hollywood producer na si Dean Devlin at ang Amerikanong aktor na si Christian Kane sa kanilang mga nakatrabahong Filipino sa Almost Paradise, ang international crime drama series na umeere tuwing Linggo sa Kapamilya Channel at A2Z.

Sa panayam sa TV Patrol noong Martes (Abril 27), sinabi ng producer ng mga sikat na pelikulang Independence Day at Godzilla na hangarin nila sa Almost Paradise na maipakita ang husay at kakayahan ng Filipino.

Our hope with our show is to not only make a show that people enjoy and show the Philippines in a light that I think is necessary, but also to expose this incredible talent,” ani Dean.

Proyekto ng Electric Entertainment ni Dean at ng ABS-CBN ang  Almost Paradise, ang kauna-unahang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas. Tampok din dito ang mga Filipino aktor at maging mga tao sa likod ng kamera ay mga Pinoy.

Maski ang bida ng palabas na si Christian ay maganda ang karanasan sa kanilang shooting sa Cebu bago ang pandemya, na naging malapit ang lahat sa isa’t isa.

“We became a family so quick and I’m not talking about just the actors. I’m talking about every single person on that set. This is one of the best crews if not the best crew we’ve ever worked with. Maraming salamat, Kapamilya,” sambit niya.

Gaganap bilang Danny ang isa pang tanyag na artista mula sa Amerika na si Richard Kind, na nakilala sa mga sitcom na Mad About You at  Spin City.

Ito ay idinirehe ng Filipino-American filmmaker na si Francis Dela Torre. Tampok din dito ang mga Filipinong aktor na sina Noel Trinidad, Richard Yap, Poppert Bernadas, Miguel Vasquez, at Rebecca Chuaunsu.

Manood ng Almost Paradise sa Linggo, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *