Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Dagdag na pension ng senior citizens (Isinusulong ni Cong. Lacson)
Dagdag na pension ng senior citizens (Isinusulong ni Cong. Lacson)

Dagdag na pension ng senior citizens (Isinusulong ni Cong. Lacson)

ISINUSULONG ni Malabon City congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan para sa karagdagang pension ng mga nakatatandang mamamayan ng bansa.
 
Tiwala si Congw. Lacson, susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa senior citizens.
 
Aniya, kung maipasang batas ang kanyang House Bill No. 4057, nangangahulugan ito ng dagdag na P1,500 para sa buwanang pension na natatanggap ng mga senior citizen mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), at iba pa.
 
“Kasado na po ito sa committee level sa House of Representatives at talagang aking pagsusumikapan na maipasa ito dahil ramdam ko po ang hirap at rinig ko po ang mga daing ng mga nanay at tatay nating mga senior,” pahayag ni Congw. Lacson.
 
“Isa lamang itong maliit na hakbang sa marami pa nating kailangang lakarin para matugunan at maibigay ang mga pangangaliangan ng mga taong noong una’y nagsumikap tungo sa isang maunlad na bansa – ang ating mga senior citizen!” dagdag ng mambabatas. (ROMMEL SALES)
 

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top