Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pia Wurtzbach kabog ni Catriona Gray sa YouTube subscribers
Pia Wurtzbach kabog ni Catriona Gray sa YouTube subscribers

Pia Wurtzbach kabog ni Catriona Gray sa YouTube subscribers

SABI, si Pia Wurtzbach ang pinakamaingay at popular na Pinay na itinanghal na Miss Universe.
Well, totoo at sumikat naman talaga si Pia dahil pinag-usapan siya sa Miss Universe Pageant Night last 2015 nang hindi ang pangalan niya ang unang ini-announce na winner kundi si Miss Columbia Ariadna Gutierrez.
 
Dahil sa pangyayaring ito ay naging bukambibig talaga si Ms. Wurtzbach sa buong mundo at ipinagbunyi ng mga Pinoy ang kanyang pagkakakapanalo noong taong iyon.
 
At dahil famous si Pia na nagkaroon pa ng pelikula sa Star Cinema with Gerald Anderson, millions ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.
 
Pero nang i-check namin ito ay laking desmaya namin dahil 149K lang ang bilang ng subscribers ng said Miss Universe dahil kinabog siya ng kapwa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na mayroong 574K subscribers sa official YT channel as of April 27,
2021.
 
Kahit sabihin pang ahead na nagkaroon ng YouTube channel si Catriona ay masyadong mababa
at hindi bagay sa level ni Pia para magkaroon lang ng ganito kaliit na bilang ng kanyang subscribers.
 
Well baka mas malakas ang karisma ni Catriona compared to Pia.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top