Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Masakit na varicose veins pinakakalma ng Krystall Herbal Oil
Masakit na varicose veins pinakakalma ng Krystall Herbal Oil

Masakit na varicose veins pinakakalma ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Isa po akong 50-anyos na biyuda. Maricon Estrella po ang pangalan ko, taga-Plaridel, Bulacan.

Ngayon pong pandemya, araw-araw ay nilalakad ko ang papasok at pauwi sa trabaho bilang pag-iwas na mahawa ng covid.

Isa po akong mananahi ng mga eco bag at piece rate po ang bayaran sa amin. Medyo kontrolado rin po ang paggawa namin ngayon kasi nga po nabawasan ang orders.

Dahil po sa malayong paglalakad at maghapong pagdiin sa makina, kapag nasa bahay na ako ay nararamdaman ko ang kirot ng aking varicose veins.

Mabuti na lang po at ako nama’y naililibre sa mabibigat na gawaing bahay ng aking mga anak. Ang toka ko na lang ay magluto ng almusal.

‘Yun na nga po, hindi ko na alam ang gagawin ko sa makirot na varicose veins, pero minsan ay napadalhan ako ng sister ko ng Krystall Herbal Oil kaya naisipan kong haplosan ang aking binti lalo ang bahaging kumpol-kumpol ang varicose veins.

Tinagalan ko po ang paghaplos-haplos hanggang makatulog ako. Ay nakatulog po talaga ako nang maginhawa dahil alas-6:00 ng umaga na ako nagising.

Tuwang-tuwa po talaga ako. Maraming-maraming salamat po Sis Fely Guy Ong, sa inyong mahusay na imbensiyon.

Lubos na sumasainyo,
MARICON ESTRELLA
Plaridel, Bulacan

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top