Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diane de Mesa, apat na original songs ang naka-one million views sa FB
Diane de Mesa, apat na original songs ang naka-one million views sa FB

Diane de Mesa, apat na original songs ang naka-one million views sa FB

NAKABIBILIB ang versatile na singer/songwriter na si Ms. Diane de Mesa dahil naka-one million views na sa Facebook ang kanyang apat na single.
 
Ano ang reaction niya rito?
 
Saad ni Diane, “Masaya po ako at siyempre nakaka-proud na apat sa aking mga original na kanta ang naka-reach na ng millions of views sa Facebook.”
 
Ano-anong songs ‘yung apat? “Ang Balang Araw ang latest, na aking duet kasama si Emping ang naka-1 million views na sa Facebook. Ang iba pang mga kanta ko na naka-million views sa Facebook ay Miss Na Miss Kita, Akala Ko, at ang Your Healing Hands na tribute ko to frontliners during the pandemic.”
 
Incidentally, si Ms. Diane ay isang frontliner at kabilang sa mga ipinagmamalaking Pinay nurse sa Amerika. Siya ang nanalo ng Special Award for International Multimedia Talent of the Year sa nagdaang Aliw Awards.
 
Nalaman din namin na siya ang nag-compose ng apat na songs na ito. “Ako pong lahat ang nagsusulat ng aking mga kanta. Siyempre, credit sa aking magagaling na arrangers na makamit ang kompletong kagandahan at pagsasabuhay sa aking mga lyrics at melody sa mga awitin ko. Ang Balang Araw ay inareglo ni Elmer Blancaflor, Miss Na Miss Kita ni Sushi, at Akala Ko at Your Healing Hands na inareglo ni Greg Felix, na aking kabanda sa LSS Sessionists.”
 
Ano sa tingin niya ang rason at na-achieve niya ito?
 
Esplika ni Ms. Diane, “Naniniwala po kasi ako na marami ang nakare-relate sa mga kanta ko. Mga kuwento ng pag-ibig sa maraming tao at nahahanap nila ang sarili nila sa aking mga kanta.”
 
Kasalukuyang tinatapos ni Ms. Diane ang fifth album niya. Abala rin siya sa kanyang livestream broadcasts sa Facebook sa DDM Studio Live at ATC International Best TV channels.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top