Tuesday , May 11 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea binasag ang pananahimik: kontrata sa GMA tapos na
Bea binasag ang pananahimik: kontrata sa GMA tapos na

Bea binasag ang pananahimik: kontrata sa GMA tapos na

BINASAG na ni Bea Binene ang pananahimik kaugnay ng estado niya ngayon sa Kapuso Network.

Nagbigay ng update si Bea sa kanyang Instagram para ipaalam sa publiko ang sitwasyon niya ngayon. Tanging sa DZBB radio at GTV program na Oh, My Job siya naririnig at nakikita.

“Yes, I don’t have an on going management nor network contract now. But I will always be forever grateful to GMA where I have spent most of my life with, and I am forever proud to be Kapuso,” bahagi ng paliwanag ni Bea.

Sabi pa niya, sa  social media muna siya makikita . Nag-enroll din siya sa online certificate courses at babalik sa pag-aaral kapag maayos na ang lahat.

“So now, nothing but positivity. Let’s see where life will take me. Just hoping for the best,” saad pa niya.

Sa mga gustong kumuha ng serbisyo ni Bea bilang artista, mag-message sa kanyang nanay o magpadala ng email sa kanyang email address na nasa bio niya sa IG.

Bago si Bea, natapos na rin ang kontrata nina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon sa GMA. Management call ang dahilan ng non-renewal ng kontrata nila.

Malupit talaga ang epekto ng COVID-19 lalo na ‘yung nasa entertainment sector!

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top