Friday , April 19 2024

Angel paulit-ulkit na sinasabihang kakasuhan

IYONG paulit-ulit na sinasabing sasampahan ng kaso si Angel Locsin, at pati NBI ay nagsabi na gagawa sila ng imbestigasyon sa nangyari ay natatanong nga namin, totoo bang may nakikita silang krimen sa pangyayaring may isang senior citizen na pumila sa community pantry, mainit ang araw, hinimatay at namatay nang tuluyan?

Noon bang himatayin iyong matanda, pinabayaan ba at iniwan sa ganoong kalagayan kaya namatay? Hindi ba dinaluhan naman agad at mabilis na isinugod sa ospital?

Iyan kayang ginagawa nila ay makabubuti sa bayan? Kung titingnan ninyo, bakit ba biglang dumami iyang community pantry? Hindi ba dahil iyan sa maramig nagugutom dahil wala nang trabaho dahil sa lockdown, at hindi naman maayudahang lahat ng gobyerno? Iyon namang mga ibang tao, makatutulong man sila gusto nilang masiguro na naibibigay nga ang kanilang ayuda sa nangagailangan, dahil hindi ba inaamin din ng gobyerno mismo na may anomalya rin sa pagbibigay ng ayuda ng barangay?

Dito nga lang sa amin eh, seaman ang asawa. Ang anak nasa isang malaking unibersidad, nakatira sa isang high end apartment pero may ayudang nakuha. May isa pa, may kotse, may trabaho, ang anak nasa isang malaking kolehiyo, nakatanggap din ng ayuda dahil, ”kaibigan ni

kagawad.” Pero maramng nagugutom, humihingi ng makakain sa simbahan, kasi wala ni singkong duling na nakuhang ayuda. Tapos kakalabanin pa ang mga nagtatayo ng community pantry?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *