Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Mahunt Charlie ng PRO3 PNP top 7 most wanted ng Bataan tiklo
Sa Mahunt Charlie ng PRO3 PNP top 7 most wanted ng Bataan tiklo

Sa Mahunt Charlie ng PRO3 PNP top 7 most wanted ng Bataan tiklo

ISANG puganteng service crew ang inaresto, sinabing pampito sa listahan ng mga most wanted sa ikinasang Manhunt Charlie sa Central Luzon PNP nitong Sabado, 24 Abril, sa bayan ng Orion, lalawigan ng Bataan.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan PPO, na si Sheryl Roque, 43 anyos, may-asawa, service crew, top 7 sa listahan ng mga most wanted ng Orion, Bataan, at residente sa Brgy. Daan Bilolo, ng nasabing lugar.

Base sa ulat ng Orion Municipal Police Station na nagsagawa ng Manhunt Charlie, isinilbi sa suspek ang alias warrant of arrest sa dalawa nilang kaso ng paglabag sa BP 22, nilagdaan ni Judge  Joel Lucasan, Presiding Judge ng Manila MTC, may petsang 31 Hulyo 2018. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top