Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bimby ‘di kinokontak ni James — I have a phone… it just takes 10 digits sa keypad to call me
Bimby ‘di kinokontak ni James — I have a phone… it just takes 10 digits sa keypad to call me

Bimby ‘di kinokontak ni James — I have a phone… it just takes 10 digits sa keypad to call me

YEAH. Sorry sa bluntness ko ha. I don’t really care. Ito lang ha. Hindi siya bastos po. You forget. And when you look back at the memories, those horrible memories, mawawala na ‘yung pain.”

Ito ang mabilis na sagot ni Bimby Yap nang matanong sa kanya kung napatawad na ba niya ang kanyang amang si James Yap.

Ang sagot ay bahagi ng katanungan ni Kris Aquino sa kanilang one-on-one interview sa ika-14 kaarawan ni Bimby.

Sinabi ni Bimby na napatawad na niya si James sa lahat ng kasalanan at pagkukulang nito sa kanya bilang ama. Sinabi rin nitong hindi nag-e-effort ang kanyang ama para mag-reach out sa kanya.

Tanong ni Kris sa anak na si Bimby ”Do you feel resentment that you have grown up with no dad?”

“No. Kasi I have such an awesome momma,” sagot ni Bimby.

”What I’m trying to say is, do you feel that there is something missing in your life,” susog na tanong muli ni Kris.

“No. Because all of those people overflowed it already. I am 10,000 times sure, I am one Googolplex sure,” sagot muli ni Bimby.

At nang matanong ang, ”Have you forgiven your dad?” mabilis na sinagot ni Bimby ito ng, ”Yeah. Sorry sa bluntness ko ha. I don’t really care. Ito lang ha. Hindi siya bastos po. You forget. And when you look back at the memories, those horrible memories, mawawala na ‘yung pain.”

Sinabi pa ni Bimby na, ”He has his own life, and I have my own life. We are not in contact.”

Iginiit pa ni Bimby na pinapayagan siya ng kanyang mama Kris na kausapin ang kanyang ama. Siya lamang ang may ayaw.

“No. It’s the opposite. He’s the one (James) who’s not trying to get in contact with me.

“I have a phone. And it just takes 10 digits sa keypad to call me. Eh, hindi niya ginawa in ilang years.

“But all those people who loved me, who cared about me are like 650,000 times better than what I could get from him. Sorry sa bluntness ko po ha,” paliwanag pa ng anak.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top