Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 17-anyos binatilyo nagbigti sa hirap ng module (Dumaing na nahihirapan)
17-anyos binatilyo nagbigti sa hirap ng module (Dumaing na nahihirapan)

17-anyos binatilyo nagbigti sa hirap ng module (Dumaing na nahihirapan)

PINANINIWALAANG kinitil ng isang 17-anyos binatilyo ang kanyang sariling buhay nitong Lunes, 26 Abril, sa lungsod ng Tacloban, lalawigan ng Leyte, matapos magreklamong nahihirapan sa kanyang mga module mula sa paaralan.

Ayon sa pulisya, natagpuan ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktimang Grade 10 student sa labas ng kanilang bahay dakong 6:00 am kahapon, na nakabigti gamit ang kumot.

Sa pahayag ng kanyang mga magulang, ilang araw nang dumaraing ang biktima na nahihirapan siyang sagutan ang kanyang mga module at gusto na umanong tumigil sa pag-aaral.

Nabatid, bago ang insidente, nagawa pang tapusin ng biktima ang mga gawaing bahay na nakaatang sa kanya.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top