Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Darren Espanto, itinangging nililigawan si Cassy Legaspi (May pag-asa pa ang anak ni Yorme Isko)
Darren Espanto, itinangging nililigawan si Cassy Legaspi (May pag-asa pa ang anak ni Yorme Isko)

Darren Espanto, itinangging nililigawan si Cassy Legaspi (May pag-asa pa ang anak ni Yorme Isko)

SINA Cassy Legaspi at JD Domagoso (son of Yorme Isko Moreno) ang loveteam sa GMA. Pero bukod kay JD ay iniuugnay rin si Cassey sa young Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto. Kababalik lang ni Darren sa ASAP Natin ‘To matapos ang more than one year na pamamalagi sa Canada dahil sa CoVid-19.

Sa isang Live streaming kasama ang ilang co-Kapamilya stars, nang tanungin si Darren tungkol sa panliligaw umano niya kay Cassey, walang backle na itinanggi ng singer na he’s courting Cassey. Close friends lang daw sila ng dalaga nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Also Jayda Avanzado, magkaibigan lang rin daw sila nito. So, sa mga sinabing ito ni Darren ay may pag-asa si JD kay Cassey at ‘yan ay kung pinapayagan na ba ni Zoren na paligawan ang dalaga nila ni Carmina.

In fairness, pumapayat na si Cassey kaya lalong blooming ang beauty niya na very classy ang dating.

Parte ang young actress ng teleseryeng “First Yaya” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top