Monday , May 17 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Braless Goddess bagong magpapainit sa pelikula ng Viva
Braless Goddess bagong magpapainit sa pelikula ng Viva

Braless Goddess bagong magpapainit sa pelikula ng Viva

SA panahon ng pandemya ang Viva Films lang yata ang hindi tumitigil sa paggawa ng pelikula at TV programs na napapanood sa TV5 dahil halos every two weeks ay may pa-virtual mediacon sila para sa bago nilang project.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay on-going na ang virtual mediacon ng pelikulang Kaka na mapapanood sa Mayo 28, 2021 sa Vivamax mula sa direksiyon ni GB Sampedro na pinangungunahan nina Sunshine Guimary, Jerald NapolesMaui Taylor, Rosanna Roces, at Gina Pareno.

Ang buod ng kuwento ni Katherine Bataan, a.k.a. DJ Kaka ay isang sex therapist sa radio. Sa kabila ng kanyang pagiging mandirigma sa kama, hindi pa naranasan ni Kaka ang maligayahan.

Ayon sa kanyang ina, ito ang sumpa sa lahat ng babae ng kanilang pamilya. Pero ang pinakahihintay ni Kaka na kaligayahan sa kama ay makakamit niya sa isang lalaki na nakilala niya sa isang party.

Naniniwala si Kaka na ang lalaking si Levi ang itinadhana para sa kanya. Para rito, handa niyang baguhin ang sarili. Tutol naman dito ang matalik niyang kaibigan na si Jorge.

Ang pinakabagong Viva talent na si Sunshine ang napiling gumanap bilang Kaka. Kilala si Sunshine bilang vlogger at tinaguriang “Braless Goddess” dahil sa pagmomodelo ng mga microkinis and lingerie sa kanyang YouTube at Instagram.

Noong Marso 2020 lamang pumirma ng kontrata si Sunshine, kaya naman sobrang pasalamat nito na agad siyang nabigyan ng launching movie.

“Susuklian ko ng 10 times ito sa Viva,” aniya.

Inamin niyang nandoon ang kaba sa paggawa ng bed scenes, pero buong loob niya pa ring ginawa ito.

Ang papel na Levi ay ginagampanan ng It’s Showtime host na si Ion Perez. Para kay Ion, malaking hamon sa kanya ito dahil malayo sa kanyang pagkatao ang karakter ni Levi. Bilang paghahanda sa kanyang papel, ikinuwento niya na, ”Lagi (niyang) binabasa kung paano gumalaw ang isang anak mayaman.”

Si Jerald ang gumaganap bilang Jorge, ang best friend ni Kaka na may lihim na pag-ibig sa kanya. May maseselang eksena rin ang dalawa at umaasa si Sunshine na makita ng manonood ang chemistry nila ni Jerald.

Masaya si direk GB Sampedro, award-winning direktor ng action-drama na Astig, dahil sa pamamagitan ng KAKA maidaragdag niya ang genre na sexy comedy sa kanyang filmography.

Nagpapasalamat si direk GB sa Viva sa ibinigay sa kanyang kalayaan para pumili ng mga artista. Pinagsama sa pelikulang ito ang mga baguhan at batikang artista tulad nina Gina, ang gumaganap bilang si Lolita Kiri, ang lola ni Kaka. Si Rosanna si Mama Kams, nanay ni Kaka. Si Maui ang kanilang kasambahay na si Babet. Ipinakikilala rin sa pelikulang ito si Jackie Gonzaga, ang talented dancer na nakilala sa It’s Showtime bilang Ate Girl.

Kasama rin sina Debbie Garcia at Juliana Parizcova Segovia. Kasama rin sa pelikula sina Andrea Del Rosario, Giselle Sanchez, Sheree Bautista, Lander Vera-Perez, Josef Elizalde, Pio Balbuena, Billy Villeta, Yuki Sakamoto, at Minnie Nato, with special participation of Janine Teñoso, Marion Aunor, at Ronnie Liang.

Ang theme song na pelikula na pinamagatang Sunshine ay mula kina Juan at Kyle na umawit ng penomenal na kantang  Marikit.

Panoorin ang premiere nito sa Vivamax! Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan at P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top