Thursday , April 25 2024

Vintage bomb nahukay sa Batanes

ISANG vintage bomb, pinaniwalaang ginamit noong Ikalawang Dig­maang Pandaigdig, ang nahukay sa Bgy. Chana­rian, bayan ng Basco, lalawigan ng Batanes, nitong Miyerkoles, 1 Abril.

Nabatid na nag-o-operate si Joey Hornedo ng backhoe sa lugar nang madiskubre niya ang bomba na may habang kalahating metro at may diametrong 12 pulgada.

Ayon sa mga awtoridad, kung sasabog ang bomba, aabot ang pinsala nito sa 500 metrong radius.

Hindi pa malinaw kung ang nahukay na lumang bomba ay ginamit ng mga mananakop na Hapon o ng puwersa ng mga Amerikano  sa mga huling taon ng WWII.

Ligtas na nakuha ang bomba mula sa lugar at ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga lokal na awtoriad.

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *