Friday , April 19 2024

Teejay maraming projects ang naghihintay sa Indonesia, Thailand, Malaysia, at Japan

MUKHANG matagal pa bago makabalik ng Indonesia ang isa sa maituturing naming bussiest actor sa kanyang henerasyon, si Teejay Marquez.

Bago magkaroon ng pandemiya ay sunod-sunod ang proyekto ni Teejay sa Indonesia na nasundan pa ng ibang proyekto sa Thailand at Vietnam, pero nang maapektuhan ang buong mundo dahil sa Covid-19 pandemic, napauwi ng bansa ang actor para na rin sa kanyang safety at mabantayan ang kanyang lolang may karamdaman.

Kaya naman ang mga proyektong gagawin pa sana nito sa Indonesia, Thailand, Malaysia, at Japan at pansamantalang isinantabi muna at kapag puwede nang magbiyahe at saka niya ito haharapin.

Pero mukhang matatagalan pa bago magawa ni Teejay ang kanyang mga out of the country projects dahil sunod-sunod ang proyekto nito sa Pilipinas.

Nandyan ang hit na hit BL series na pinagbibidahan nila ni Jerome Ponce na nasa season 2, ang BXJ Forever na ‘di pa man natatapos, ay masusundan pa ng season 3 dahil nag-click ang season 1 and 2.

Habang ginagawa naman nito ang pelikulang Ang Huling Birheng Beki sa Balat-Lupa ng Heaven’s Best Entertainment kasama sina Edgar Allan Guzman, Mimi Juareza, Lou Veloso, Rosanna Roces, Sean De Guzman, Sunshine Garcia, Dave Bornea, Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, at Phi Palmos. Written by Afi Africa and Joel Lamangan, with Harlene Bautista as executive producer, directed by Joel Lamangan.

Kasama rin ito sa pelikulang Girl Online ng Regal Entertainment and LargaVista kasama sina Adrienne Vergara,Fino Herrera, Kat Galang, Andres Vasquez, Paeng Sudayan, Veronica Reyes, directed by Joey Reyes.

At sa pelikulang G! LU (GO! LA UNION) ng ALV Films, Rein Entertainment, at Benchingko Films. Kasama sina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Ruru Madrid, David Licauco, Enzo Pineda, Teejay Marquez, wth Marco Poli, Dominic Roque, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, with Arnold Vegafria at Ben Chan bilang executive producers, directed by Philip King.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *