Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon Cuneta dagsa pa rin ang offer — I think I just have a real passion for my craft
Sharon Cuneta dagsa pa rin ang offer — I think I just have a real passion for my craft

Sharon Cuneta dagsa pa rin ang offer — I think I just have a real passion for my craft

FORTY years na sa showbiz ang Megastar na si Sharon Cuneta, pero nananatili pa rin siyang aktibo sa kanyang career.  Hindi siya nawawalan ng trabaho, both sa TV at pelikula.

Sa interview ni Sharon sa Anong Ganap?, tinanong siya kung anong sikreto ng kayang longevity sa show business.

Sabi niya, ”I don’t know what the secret is to longevity but I think in this business, I think I just have a real passion for my craft. For everything I do, acting, singing, hosting, anything. I love making people happy. I think that’s it.”

Dagdag pa ni Sharon, sadyang mahal niya ang kanyang profession kaya minahal din siya nito.

“And siyempre being able to express myself creatively, exercise my creative juices, celebrate and let them flow. And saka ‘yung may lisensiya ka to be someone else every now and then sa iba’t ibang roles na ginagampanan mo. Parang ah dito pwede akong magwala ng kaunti kasi hindi naman ako ito. Alam naman ng tao na role lang ito. So, sa akin it’s really devotion.”

Nagpapasalamat si Sharon na hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa in-demand na aktres sa industriya.

“I’m still surprise and overwhelmed and I feel blessed. And I always take my cue from God like I say all the time. Kasi parang I was really gearing towards retirement. Tapos biglang, it wasn’t just this offer there were others na magkakasunod. ‘Okay Lord, I guess you don’t want me to stop pa.’”

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top