Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gabby, gaganap na psychotic husband sa #MPK
Gabby, gaganap na psychotic husband sa #MPK

Gabby, gaganap na psychotic husband sa #MPK

NGAYONG Sabado (April 24), tung­hayan ang natatanging pagganap ni  Gabby Eigenmann bilang isang lalaking nawala sa katinuan sa episode na pinamagatang My Psychotic Husband ng real-life drama anthology na   Magpa­kailanman.

Matapos magpakasal, hindi inakala ni Emily (Lovi Poe) na biglang magbabago ang pakikitungo ng kanyang asawang si Abet (Gabby) na kalauna’y magkakaroon ng mental disorder.

Upang mailayo ang sarili at kanilang mga anak sa kapahamakan, nagdesisyon si Emily na iwan ang asawa at lisanin ang kanilang tahanan. Unti-unting lalala ang kondisyon ni Abet at mapapatay niya ang kanyang pangalawang asawang si Joy (Alessandra de Rossi) at mga anak.

Makakamit pa nga ba ni Abet ang nararapat na tulong para sa kanyang kondisyon? Huwag palampasin sa My Psychotic Husband ngayong Sabado, April 24, 8:00 p.m. sa #MPK. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top