Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Friends ni Migo nalungkot sa pag-alis nito sa showbiz
Friends ni Migo nalungkot sa pag-alis nito sa showbiz

Friends ni Migo nalungkot sa pag-alis nito sa showbiz

TULUYAN na ngang iniwan ng StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer ang showbiz para manirahan sa Australia.

Nag-post si Migo sa kanyang Instagram ng isang video na nagsu- swimming siya. Anito, ”Alright peeps, this is it. Time for me to head out with a bang! thank you for the memories and thank you for the support ! There was a lot of good ( and bad ) memories that were made during my stay here but they made me who i am today! Met the love of my life here and worked with some hectic people! To the Philippines i bid you farewell to @gmanetwork @artistcenter  I say thank you for the epic opportunity to work for you guys!

“To the Migonatics thank you for the love and support and for one last time, keep up the hype! See you on the flipside! (get it )!

Nagsimula ang career ng guwapong actor nang tanghaling Male Ultimate Survivor ng Starstruck Season 6 noong 2015 at nagkasunod-sunod na ang proyektong dumating mula sa Encantadia, Love From The Star, The One That Got Away, Ika-5 Utos atbp.

Maraming mga kaibigan nito  sa industriya ang labis na nalungkot sa desisyon ni Migo na iwan ang showbiz.

Isa sa nag-comment sa post nito ay si Jason Abalos. Anito, ”See you around bro !.”

Sinabi naman ni Mavy Legaspi  na, ”i love you brotha! Kill it down under man! Always rooting for you. Daz my bestfriend!,

Maging si Cassy Legaspi ay nagbigay din ng mensahe sa actor, ”He finally announced it! Well miss tou Douglas!!!.”

Sabi naman ni Mark Bautista, Proud of you! Fly high!”

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top