Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Gay nangitim ang labi, nagkabutlig nang magka-pneumonia
Ate Gay nangitim ang labi, nagkabutlig nang magka-pneumonia

Ate Gay nangitim ang labi, nagkabutlig nang magka-pneumonia

PNEUMONIA at hindi COVID-19 ang naging sakit ng komedyanteng si Ate Gay.

Nalampasan ni Ate Gay ang krisis sa kalusugan pero hindi biro ang dinanas niya bago nakaligtas. Nag-alala sa kanya ang maraming kaibigan lalo na nang makita sa kanyang Facebook na naka-oxygen siya.

Ayon sa interview niya sa 24 Oras, nangitim ang kanyang mga labi at nagkabutlig-butlig ang mga balat niya.

Ang kawalan ng trabaho, stress, anxiety dala ng pandemic na dulot ng Corona virus ang dahilan ng pagkakaospital niya.

Naging tulong ang pagiging komedyante ni Ate Gay upang pasayahin ang mga nurses at doctor na nag-asikaso sa kanya.

“May himala!” shout out ni Ate Gay sa interbyu niya.

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top