Monday , November 17 2025

Suspensiyon ng face-to-face National ID registration hiniling ni Salceda

Kinalap ni Tracy Cabrera

MANILA — Ayon kay Albay representative Jose Maria Clemente ‘Joey’ Salceda, kinakailangang suspendehin muna ang door-to-door data collection para sa national identification system ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasunod ng mga ulat na daan-daan ang isinailalim sa kuwarantena makaraang magpositibo ang isang data enumerator ng novel coronavirus disease (CoVid-19).

Sa kanyang liham kay PSA national statistician Claire Dennis Mapa, nagpaalala si Salceda na ang face-to-face data collection at iba pang mga survey ay kailangang ipatigil pansamantala dahil batay sa huling mga kaganapan, ang aktibidad ay maaaring maging isang super-spreader event na maaaring magpalala sa situwasyon ng pandemya sa bansa.

“I appeal strongly to your office to temporarily suspend door-to-door and face-to-face data collection for the national ID system and other surveys until we could reasonably guarantee that enumerators will not be vectors for infection,” pinunto ni Salceda.

Ayon sa mambabatas, 400 indibidwal ang kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine sa Polangui, Albay dahil nahawa umano sa enumerator na nagpositibo sa CoVid-19.

“If infection is confirmed, the enumerator would have been a super-spreader,” opinyon ni Salceda.

“Even if a super-spreader event does not take place, the protocols have forced contacts of the enumerator to quarantine, interrupting their livelihoods,” dagdag niya.

Idiniin ni Salceda, ang mga data enumerator mismo ay “at risk” sa pagiging close contact ng mga mayroong impek­siyon.”

“If the PSA will insist on face-to-face registration, enumerators should at least be vaccinated,” kanyang tinukoy.

Hinimok ng mambabatas mula sa Albay ang PSA na maghanap ng mga pama­maraan para makapagsagawa ng data gathering na ligtas at hindi makasasama sa publiko.

“While I support the national ID system and completing it as soon as possible to help distribute necessary social programs, we should conduct data gathering activities in ways that do not endanger the lives of our citizens,” pagtatapos ni Salceda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …