Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rabiya Mateo mala-Barbie Doll sa photo shoot
Rabiya Mateo mala-Barbie Doll sa photo shoot

Rabiya Mateo mala-Barbie Doll sa photo shoot

SUPORTADO ng CEO & President ng O Skin Med Spa na si Ms. Olivia Quido, official skin care partner ng 69th Miss Universe ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Matapos bumisita ni Miss Philippines 2020 Rabiya at nina Miss El Salvador at Miss Colombia sa  sikat na O Skin Med Spa, sinuportahan na ni Ms O ang iba pang activities ng pambato ng ‘Pinas.

Post nito sa kanyang FB kamakailan, ”SURPRISE FB LIVE with Rabiya Mateo!!! While shooting in my home in LA  Enjoy watching! #missuniverse #OSkinCare #skincare.”

Ginanap sa bonggang bahay ni Ms O ang photo shoot ni Rabiya suot ang blue gown na gawa ni Marc Rancy at sinundan ng yellow swimsuit para sa O Skin Med Spa.

Ipinakita ang nasabing photoshoot sa Instagram at FB Page ng O Skin Med Spa.

Mala-Barbie Doll ang tingin ni Ms Olivia kay Rabiya sa sobrang ganda  na kamukha rin at young version ng Pinay Miss World 2013Megan Young.

Very thankful si Rabiya kay Ms. Olivia sa kabaitan at generosity nito sa kanya at sa 100 % suporta sa laban niya sa 69th Miss Universe.

Happy ito na sa USA ginanap ang 69th Miss Universe dahil maraming Filipino na katulad ni Ms Olivia na sinusuportahan siya.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top