Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Karnaper, top 8 most wanted arestado (Sa Manhunt Charlie ng PRO3 sa Pampanga)
Karnaper, top 8 most wanted arestado (Sa Manhunt Charlie ng PRO3 sa Pampanga)

Karnaper, top 8 most wanted arestado (Sa Manhunt Charlie ng PRO3 sa Pampanga)

HINDI na nakapiyok ang isang hinihinalang karnaper na itinuturing na top 8 sa listahan ng mga most wanted persons ng lalawigan nang dakmain ng mga awtoridad nitong Lunes, 19 Abril sa pinaiigting na kampanya laban sa mga most wanted persons ng Manhunt Charlie ng PRO3 sa lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Enrico Galang, 61 anyos, top 8 most wanted ng Pampanga, residente sa Brgy. Cacutud, bayan ng Arayat, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, isinilbi ng mga kagawad ng Arayat Municipal Police Station sa pamumuno ni P/Lt. Col. Eduardo Guevarra, Jr., ang warrant of arrest ng suspek sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na nilagdaan ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos City RTC Branch.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top