Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagbi-brief ni Gerald palasak sa gay website
Pagbi-brief ni Gerald palasak sa gay website

Pagbi-brief ni Gerald palasak sa gay website

GINAMIT nilang come on para sa isa nilang teleserye ang pagsusuot ng briefs ni Gerald Anderson. Pero mukhang hindi nila iyon na-control at ang kasunod ay naglabasan pa ang mga picture ng eksenang iyon na naka-brief nga ang actor pero obviously hindi maganda ang porma ng kanyang katawan.

Inilabas pa sa isang gay website ang nasabing mga picture ni Gerald, at ang masama kasabay niyon ay naroroon pa rin ang mga picture nina Marco Gumabao, at ang pinag-uusapan ngayong si Derrick Monasterio na pormang-porma ang mga katawan, nagmukha tuloy tatay nila kundi man masasabing DOM si Gerald.

Walang duda na naisip nila ang gimmick na iyon na kung mapapalabas nilang sexy si Gerald, maaaring makabatak iyon sa kanyang career na sumisid dahil sa relasyon nila ni Julia Barretto. Pareho naman silang sumisid ang career eh. Maliwanag din naman na ang nagdala kay Julia noong araw ay iyong love team nila ni Joshua Garcia. Pero ang masasabi lang namin, nag-boomerang na naman ang pagbi-brief ni Gerald.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top