Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joshua Garcia, napiling leading man ni Jane de Leon sa “Darna” TV series
Joshua Garcia, napiling leading man ni Jane de Leon sa “Darna” TV series

Joshua Garcia, napiling leading man ni Jane de Leon sa “Darna” TV series

Finally sa matagal na panahong paghahanap ay nakita ng Star Cinema at Star Creatives ang actor na magiging kapartner ni Jane de Leon para sa Darna TV series nito na sabi ay ipapalabas na this year sa A2C Channel 11, Kapamilya Channel, TV 5, at digital platforms ng ABS-CBN.

Si Joshua Garcia ang napiling maging leading man ni Jane sa ginawang look test ay bagay raw at may chemistry.

Sasailalim sina Joshua at Jane sa isang workshop na iha-handle ng kilalang Kapamilya house director. Hindi pa inire-reveal kung sino-sino ang mga gaganap na contravida ni Darna at ang papapel bilang famous na si Ding, kapatid ni Darna.

At least mapapanood na pala ang nasabing fantasy series na ilang beses nang naudlot dahil sa pag-atras noon nina Angel Locsin at Liza Soberano na gumanap sa character ni Darna sanhi ng kanilang medical and physical condition.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top