Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen matulad kaya kina Angelica at Andrea?
Ellen matulad kaya kina Angelica at Andrea?

Ellen matulad kaya kina Angelica at Andrea?

INAAMIN na ni Derek Ramsay na sa bahay na niya nakatira ang syota niyang si Ellen Adarna, kasama na rin ang anak niyon kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Hindi mo naman mapipigil iyon dahil inamin na rin naman nila na may balak na silang pakasal ni Ellen, iyon ay kung hindi magbabago ang ihip ng hangin.

Ganyan din naman ang kaso ni Angelica Panganiban noon na ka-live in ni Derek ng limang taon. Ganyan din naman si Andrea Torres na tumira rin sa bahay ni Derek noong panahon ng kanilang relasyon. Kaya hindi ka rin sigurado na ok na nga sila ni Ellen, dahil halos pareho sila ng history sa pakikipag-relasyon.

Hindi ba may panahong sa isang national television broadcast ay sinabi pa ni Presidente Digong na hindi na umuuwi ang anak niyang si Baste Duterte dahil nandoon na kay Ellen Adarna? Hindi ba marami ang naniwala na ok na sila ni John Lloyd matapos na tumigil sa kanyang career ang actor, nagpagawa pa ng bahay sa Cebu, hanggang sa magka-anak nga sila, pero wala rin.

Kaya hindi natin masasabi na sigurado na nga iyang sina Derek at Ellen hanggang hindi nangyayari ang kasal.

Kung kami ang tatanungin, iyang mga ganyang publisidad ay ”counter productive” para kay Derek dahil ang image niya ay lover boy.

Kung masyado na siyang identified kay Ellen, ano nga ba ang magiging epekto niyon sa kanyang career? Palagay naman namin, tagilid kung silang dalawa ni Ellen ang magsasama sa isang pelikula. Aminin natin na kailangan din naman ni Derek ang isang malakas na leading lady.

Si Ellen naman, bagama’t sikat at controversial din, hindi masasabing may kakayahan na ring magdala ng isang pelikula o maski na isang tv show. Kaya ano ang kahihinatnan niyan?

Mahirap nating sabihin na baka nga maging downfall nila pareho iyan. Hindi natin masasabi kung ano pa ang mangyayari. Hintayin na lang natin kung ano ang kalalabasan hindi lamang ng kanilang relasyon kundi ang magiging epekto rin niyon sa kanilang career.

Pero kami kasi iba ang palagay namin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top