Friday , April 26 2024

Ana Capri happy-mommy, cute niyang baby swak bilang commercial model

MASAYA ang award-winning actress na si Ana Capri sa kanyang simpleng buhay sa Australia, bilang mother and wife.

Almost three years na siyang namamalagi sa Australia at ikinasal siya sa Australian businessman na si Dave. Last October 2019 ay naging mommy si Ana at ngayon ay naka-focus sa kanyang mag-aama, lalo sa kanilang cute na cute na one and a half year old baby boy named Dylan John.

Kuwento sa amin ni Ana thru FB. “Okay naman ako, enjoying motherhood. ‘Di pa makauwi. I was offered three good projects, waaaaaaa! One with Direk Auraeus Solito, Direk Adolfo Alix for Nora Aunor film, and Direk Jeffrey Jeturian na new project, waaaaaaa,” palahaw ni Ana bilang panghihi­nayang.

Aniya, “They all called me, mga inaabangan kong director… Well, life is good bawal mag-complain, miss ko na kayo.”

Nang usisain namin kung kailan niya gustong magbalik-showbiz, ito ang tinuran ng aktres, ”Not right now. I’m focusing muna kay baby DJ. I want to enjoy and cherish every moment of being his mom muna. Then, quality time with my loving husband din po. Maybe, ask me again next year about sa showbiz.”

Miss na ba niya ang showbiz? “Oo naman, hehehe. Before curious ako to feel normal, now sobrang normal, hehehe. Except for focusing sa hubby and son…  and I have a product na ii-endorse soon. Siguro sisimulan na nila to promote it. I’ll let you know kuya.”

Kapag may gustong kumuha sa commercial sa baby niya, okay lang ba sa kanya?

“Oo naman, siyempre, why not?” Nakangiting sagot ng Best Supporting Actress sa 3rd ASEAN International Film Festival and Awards para sa pelikulang Laut ni Direk Louie Ignacio.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *