Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 2 evacuation center donasyon ng PAGCOR (Itatatayo sa Bataan)
2 evacuation center donasyon ng PAGCOR (Itatatayo sa Bataan)

2 evacuation center donasyon ng PAGCOR (Itatatayo sa Bataan)

NAKATAKDANG itayo ang dalawang PAGCOR Multi-Purpose Evacuation Centers mula sa pondong donasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamumuno ni Chairman at CEO Andrea Domingo sa mga bayan ng Samal at Orani, sa lalawigan ng Bataan.

Magkatuwang sina PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility James Patrick Bondoc, PAGCOR Community Relations and Services Assistant Vice President Ramon Villaflor, Governor Abet Garcia, Bataan 1st District Congresswoman Geraldine Roman, Orani Mayor Bondjong Pascual, at Samal Mayor Aida Macalinao sa ginanap na groundbreaking ceremony nitong 15 Abril, sa lalawigan ng Bataan.

Malugod na pinasasalamatan ni Governor Garcia ang pamunuan ng PAGCOR sa patuloy na pagsuporta sa kanilang lalawigan, sa pagbibigay tulong pinansiyal sa mga kababayang may mga karamdaman, at sa impraestrukturang magagamit sa panahon ng kalamidad at pandemya. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top