Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Katawan ng babae natagpuang palutang-lutang sa Bataan
Katawan ng babae natagpuang palutang-lutang sa Bataan

Katawan ng babae natagpuang palutang-lutang sa Bataan

PALUTANG-LUTANG na natagpuan ang katawan ng isang babae sa bay area ng bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo, 18 Abril.

Ayon sa mga imbesti­gador, nakita ang katawan, may 14.8 kilometro ang layo mula sa dalampa­sigan sa harap ng nuclear power plant.

Ayon kay P/SSg. Michael Villanueva, imbestigador ng San Antonio police station, kinokompirma ng mga awtoridad kung ang nakitang bangkay ay ang nawawalang kasintahan ng lalaking Korean national, na nakitang wala nang buhay sa isla ng Capones, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 17 Abril.

Maaaring ang natagpuang katawan sa Bataan ay si Hyun Jung Han, 52, na huling nakitang nakasuot ng pantalon at itim na panloob kasama ang kasintahang si Changman Lee, 53 anyos.

Natagpuan ang labi ni Changman na nakalutang sa dagat limang metro mula sa dalampasigan.

Ani Villanueva, nana­natili ang katawan ng hindi pa kilalang babae sa dagat dahil hindi umano kayang iahon ng mga miyembro ng sea patrol sa kalapit na lugar.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top