Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jennylyn makikiuso sa pagpapakasal? — Hindi namin kailangan sumabay
Jennylyn makikiuso sa pagpapakasal? — Hindi namin kailangan sumabay

Jennylyn makikiuso sa pagpapakasal? — Hindi namin kailangan sumabay

USO ang proposal at kasalan ngayon kahit may pandemya kaya tinanong namin si Jennylyn Mercado kung sila ba ni Dennis Trillo ay may plano na ring magpakasal.

“Hindi naman kami kailangan sumabay sa uso,” umpisang pahayag ni Jennylyn.

“Darating at darating iyan sa takdang panahon.”

Samantala, dahil nga nasa gitna tayo ng pandemya, limitado ang lahat ng kilos at galaw at pati na rin ang paglalakbay.

May bagay ba na gusto si Jennyly na sana ay nagawa niya bago nagkaroon ng pandemya at lockdown?

“Too many to mention po! Natigil ang ikot ng mundo natin ng dahil sa pandemya.”

Kapag normal na ang lahat at maaari ng lumabas, sino o ano ang nais niyang unang puntahan?

“Una ang Baclaran Church. 

“Marami po talaga but how I wish we could do that soon,” pagtatapos pang pahayag ni Jennylyn na napanood kamakailan lamang sa mga GMA show na Magpakailanman at sa rerun ng I Can See You: Truly. Madly. Deadly. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top