Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bidaman Wize, nagka-bahay at kotse dahil sa mayamang bading?
Bidaman Wize, nagka-bahay at kotse dahil sa mayamang bading?

Bidaman Wize, nagka-bahay at kotse dahil sa mayamang bading?

PINABU­LAANAN ng It’s Showtime Bidaman na si Wize Estabillo na galing sa mayaman at maimpluwensiyang bading sa Batangas ang kanyang bagong red Vios at bagong bahay.

Naikuwento kamakailan ni Wize na marami siyang natatanggap na indecent proposal lalo na nang mag-pandemic. Isa na nga rito ang napakayaman at maimpluwensiyang tao sa Batangas.

Ayon kay Wize, ”Grabe naman porke’t may bago kang kotse at bahay ibig sabihin galing sa mayamang bading. ‘Di ba puwede na nag-ipon ka ng matagal na panahon tapos nang maka-ipon bumili ka ng kotse at ipinaayos mo ‘yung lumang bahay niyo?

“Hindi naman instant na mayroon akong kotse at bahay dahil matagal-tagal din po akong nag-ipon mula sa kinita ko sa trabaho bilang steward sa Philippine Airlines, pagbi-bigo, at sa showbiz.

’Di dapat kung tinanggap ko ‘yung mga offer sa akin ng kung ano-ano eh naka-sports car na ako at hindi Vios o kaya naka-mansion na ako? Kaso hindi, kasi hindi ko tinanggap.

“Katulad ng sinabi ko dati na wala naman akong against sa mga taong pumapatol sa mayayamang bading kapalit ng sarili nila dahil choice naman nila iyon. Pero hindi talaga ako ganoon and hindi ko talaga kaya.”

Iginiit pa ni Wize na mula sa dugo’t pawis ang ipinuhunan niya sa kanyang kotse at bahay galing sa kanyang trabaho at sobrang pagtitipid.

Hangang ngayon ay marami pa rin ang indecent proposal na natatanggap ni Bidaman Wize na hindi na lang nito pinapansin at ini-entertain. Mas gusto nitong magkaroon ng mga bagay na gusto niya na galing sa kanyang pinagtrabahuhan at hindi galing sa bigay ng ibang tao na ang kapalit ay ang kanyang sarili.

Sa ngayon ay masaya si Wize sa kung anong mayroon siya at kahit paano ay kumikita siya sa kanyang nga online guesting, regular online host ng It’s Showtime at sa pagbi-Bigo.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top