Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon Cuneta, sobrang buryong na sa pandemya
Sharon Cuneta, sobrang buryong na sa pandemya

Sharon Cuneta, sobrang buryong na sa pandemya

Sa kanyang recent IG (Instagram) Live, deretsahang sinabi ni Sharon Cuneta sa kanyang followers na bored na siya sa tagal ng pandemic. Haw niya niya sukat akalain na tatagal nang ganito kahaba.

Last year, feeling daw ni Shawie, pag­pasok ng 2021 ay magiging maayos na ang sitwasyon ng bansa pero tuloy-tuloy pa rin. Kasisimula lang daw ng kanyang movie comeback na Reverginized opposite with young hunky actor Marco Gumabao.

Dapat raw ay makagagawa siya ng tatlong movies sa Viva at digital concert pero malabo na raw itong mangyari sabi ng mega singer-actress, na kanyang labis na ikina-sad.

Well isa sa pinagkakalibangan ngayon ni Sharon ang mga alagang imported dogs na minsan katabi pa niya sa pagtulog. Sobrang active rin ng megastar sa kanyang social media accounts na parami nang parami ang followers.

Pero mukhang sa YouTube channel nito ay bibibira na siyang mapanood, siguro nga ay dahil tinatamad siya dahil hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin si CoVid.

Mabuti na lang at buo sila ng pamilya sa condo na tinitirahan sa Makati katapat ng Glorietta, at medyo nababawasan ang pagkabagot at lungkot ni Shawie.

Sa latest IG post ni mega, humihingi siya ng dasal dahil, she is little bit sick raw o dinale siya ng flu.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top