Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / News / PRO3 nakiisa, namigay ng alay sa mga kapatid na Muslim (Sa pagdiriwang ng Ramadan)
PRO3 nakiisa, namigay ng alay sa mga kapatid na Muslim (Sa pagdiriwang ng Ramadan)

PRO3 nakiisa, namigay ng alay sa mga kapatid na Muslim (Sa pagdiriwang ng Ramadan)

NAMAHAGI ng Ramadhan Sadaqah ang mga kawani ng Angeles City Police Office sa pamumuno ni P/Col. Rommel Batangan, sa ilalim ng superbisyon ni PRO3 P/BGen. Valeriano de Leon, nitong Sabado, 17 Abril, bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Sa pagtitipong gina­nap, ipinatupad ang minimum standard ng safety health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, at ipinairal ang social distancing sa mga bisitang dumalo.

Ipinaliwanag ng mga awtori­dad ang mga alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng nakama­matay na CoVid-19 sa kanilang komunidad.

Ibinahagi ng pulisya sa hanay ng mga kaba­baihan ang mga ka­alaman upang maiwasan ang pang-aabuso at ang dapat gawin sakaling may maganap na kaugnay na insidente.

Kasama sa pagtiti­pon ang mga kagawad ng Pampanga Highway Patrol Team (PHPT), mga opisyal ng Muslim Community, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Kaligkasan, NCITACS, at mga kapatid na Muslim ng lungsod ng Angeles.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top