Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine nag-sorry sa mga negang tweet
Maine nag-sorry sa mga negang tweet

Maine nag-sorry sa mga negang tweet

HUMINGI ng sorry si Maine Mendoza sa mga luma niyang tweet na negatibo ang dating. Sinuportahan ng netizens ang paghinging ito ng paumanhin ng dalaga.

Aniya, ”Hi tweeps! I’ve been receiving a lot of messages about my tweets several years ago.

“Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then.

“It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone. I am sincerely sorry. (pleading face emoji),” anang girlfriend ni Arjo Atayde.

Sinabi pa ni Maine na natuto na siya sa mga pagkakamaling nagawa noon kaya maingat at sensitibo na siya ngayon sa lahat ng kanyang ginagawa.

“Through the years, I have learned to be more careful with my thoughts and words- and how it would affect the people around me.

“Hope you hear me out this time. Praying for everyone’s safety and sanity in these trying times. (heart suit emoji),” sambit pa niya.

Ang mga tinutukoy na negative tweet na ipinost ni Maine ay noon pang 2011. Wala pa siya sa showbiz at hindi pa rin Dabarkads ng Eat Bulaga. Ilan sa mga may negatibo siyang komento ay ukol kina Taylor Swift at Justin Bieber.

Napag-usapan muli ang negative tweet ni Maine nang ipost ng ilang netizens.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top