Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Krystall Nature Herbs malaking tulong sa cold, flu, & fever
Krystall Nature Herbs malaking tulong sa cold, flu, & fever

Krystall Nature Herbs malaking tulong sa cold, flu, & fever

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Sandy Javierto, 36 years old, taga-Muntinlupa, isang business process outsourcing (BPO) employee.

Isa po ako sa napaboran sa panahon ng pandemic dahil work from home (WFH) ang schedule ko sa trabaho.

Kaya hindi po ako nahihirapang bumiyahe sa araw-araw.

Pero siyempre, may task din po kami sa family kaya napipilitan din kaming lumabas.

Minsan pagkagaling namin sa paggo-groceries, nakaramdam ako ng panghihina at pakiramdam ko’y lalagnatin ako. Kasunod no’n sinipon na po ako at nang mga sumunod na araw ay sumakit ang mga kasu-kasuan ko at nilagnat.

Sa totoo lang po, ninerbiyos ako, baka nahawa ako ng covid. Nagpasalamat po ako kasi nag-negative ako sa CoVid-19.

Pero bago po ako nagpa-swab test, ako po ay nagsuob ng mainit na tubig na may asin, nagpahaplos ng Krystall Herbal Oil, at uminom ng mainit na Krystall Nature Herbs.

Limang araw ko po iyong ginawa. Medyo bumuti ang katawan ko kaya nagpa-swab test na po ako.

Laking tuwa ko nga dahil negative ang result.

Pero itinuloy-tuloy ko po ang pagsusuob at pag-inom ng mainit na Nature Herbs tea.

Tuloy-tuloy din po ang paghahaplos ko ng  Krystall Herbal Oil.

Nangyari po ito noong February 2021 kaya itinuloy-tuloy ko pa rin po hanggang ngayon.

Maraming salamat Sis Fely, sa mahuhusay ninyong imbensiyon.

SANDY JAVIERTO,
Muntinlupa City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top