Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 7-taon nagtago, most wanted ng Nueva Ecija tiklo
7-taon nagtago, most wanted ng Nueva Ecija tiklo

7-taon nagtago, most wanted ng Nueva Ecija tiklo

INARESTO ng mga kagawad ng Lupao Municipal Police Station ang isang suspek na kabilang sa top most wanted ng Nueva Ecija, pitong taon nagtago sa batas nang dalawin niya ang kanyang pamilya nitong Sabado, 17 Abril, sa Brgy. Manicla, lungsod ng San Jose, sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, direktor ng Nueva Ecija PPO, ang suspek na si Armando Dulatre, alyas Boy Pandesal, 65 anyos, may asawa, walang trabaho, kabilang sa listahan ng most wanted ng Nueva Ecija, at residente sa Brgy. Manicla, sa naturang lungsod na halos pitong taon nagtago sa batas.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Judge Leo Cecilio Bautista, Presiding Judge ng San Jose City RTC Branch 38, may petsang 24 Setyembre 2014 sa kasong paglabag sa RA 7610.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top