Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon Cuneta naunahan noon ni Pops Fernandez (Sa paghuhubad)
Sharon Cuneta naunahan noon ni Pops Fernandez (Sa paghuhubad)

Sharon Cuneta naunahan noon ni Pops Fernandez (Sa paghuhubad)

MARAMING first time sa comeback movie ni Sharon Cuneta na Revirginized, like bata ang leading  man niya sa katauhan ng hunk actor na si Marco Gumabao.

Gumawa sila ng eksena na kita ang cleavage habang isinasayaw ni Marco bukod pa sa ‘mild’ intimate scene ng aktor sa movie na idinirek ni Darryl Yap.

Saka ‘yung istorya ay bago rin kay Sharon na never pang nakagawa ng ganitong tipo ng movie na makabago o napapanahon.

Pero ‘yung pagpapa-sexy ay matagal nang dream ng megastar, at kanya ngang nagawa rito sa Revirginized. Timely ay akma dahil pumayat na nga ang sikat na singer-actress.

Speaking of pagpapa-sexy, naunahan na ni Pops Fernandez si mega. Yes dalawang beses lumabas sa seksing pelikula si Pops.

Una sa Linlang noong 1999 kasama sina Joyce Jimenez at Jomari Yllana at ang pinagbidahang 2000 movie na “Gusto Ko Nang Lumigaya.” Idinirehe ito ng late director na si Maryo J. Delos Reyes. Parehong kumita sa takilya ang mga nasabing film kaya, sana kumita rin ang Revirginized ni Shawie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top