Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, Alden, Jasmine series inihahanda na ng GMA
Dingdong, Alden, Jasmine series inihahanda na ng GMA

Dingdong, Alden, Jasmine series inihahanda na ng GMA

PATULOY ang GMA-7 sa paghahatid ng mga dekalibreng programa sa kanilang viewers.

Nitong nakaraang buwan, nauna nang inanunsiyo ng estasyon ang ilan sa kanilang bigatin at kaabang-abang na mga programa kagaya ng Legal Wives, I Left My Heart in Sorsogon, Agimat ng Agila, Nagbabagang Luha, Ang Dalawang Ikaw, Heartful Cafe, Lolong, Love You Stranger, at FLEX.

Sa recent post sa Facebook account ni Kapuso PR Girl ay ibinunyag na rin ng GMA Network ang ilan pa sa kanilang inihahandang programa kagaya ng The World Between Us na pagbibidahan nina Alden RichardsJasmine Curtis-Smith, at Tom RodriguezLove. Die. Repeat. ni Jennylyn MercadoTo Have and To Hold nina Carla Abellana at Max CollinsArtikulo 247 nina Rhian RamosMark Herras, Jackie Rice, at Rocco Nacino; at Alternate ni Dingdong Dantes.

Tiyak ding kaaaliwan ng viewers ang mga programang Running Man PhilippinesSing For HeartsLam Na, Pa-Cute Ang Ina KoThe Clash Season 4The WitnessWidow’s Web, at Raising Mamay.

Ilan lang ang mga iyan sa dapat abangang programs ng GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top