Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Joel pinahanga ni Cloe Barreto
Direk Joel pinahanga ni Cloe Barreto

Direk Joel pinahanga ni Cloe Barreto

MATAPANG, Mapusok, walang kiyeme sa hubaran at lovescene ang bagong mukhang ilulunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 316 Media Networks sa psychological sex drama movie na Silab.

Siya si Cloe Barreto, 19, ng Roxas, Oriental Mindoro at member ng all-female sing and dance group na Belladonnas.

Sa Silab, gagampanan ni Cloe ang role na Ana, isang babaeng mayroong obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

Ayon sa dalaga, napakahirap ng ginampanan niyang role sa pelikula. ”Napaka-complex niyong character ko. Paiba-iba rin ‘yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya ng maayos,” lahad ni Cloe.

Puring-puri naman ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula. ”Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose noong nagsisimula siya sa pelikula.”

Dalawa ang leading man ni Cloe rito– sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Kasama rin sa pelikula ang mga seasoned actresses na sina Chanda Romero at Lotlot de Leon.

Ang Silab ay isinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, among others.

Bukod sa ganda ng script, direction, at superb acting ng cast ng Silab, maganda rin ang cinematography ng pelikula.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top