Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Babae sinabing tumalon mula sa 45/f patay
Babae sinabing tumalon mula sa 45/f patay

Babae sinabing tumalon mula sa 45/f patay

PATAY ang isang babae na hinihinalang tumalon sa isang gusali kahapon ng umaga sa lungsod ng Quezon.

Base sa ulat, dakong 9:35 am nang matagpuan ang katawan ng hindi kilalang biktima, na nakahandusay sa ika-anim na palapag ng Canopy, South Tower, Zinnia, Barangay Katipunan sa lungsod.

Ang gusali ay may taas na 45 palapag.

Ayon kay Vincent Boncay, 22 anyos, duty security guard ng nabanggit na gusali, nagulantang siya nang makita ang duguang katawan ng babae habang nag-iikot sa gusali.

Agad itinawag ni Boncay sa himpilan ng pulisya ang insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari at inaalam kung may naganap na foul play sa insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top