Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JC Garcia, celebrity endorser na ng beauty products sa Amerika
JC Garcia, celebrity endorser na ng beauty products sa Amerika

JC Garcia, celebrity endorser na ng beauty products sa Amerika

Nasorpresa kami nang aming mapanood ang endorsement ng Fil-Am recording artist/dancer/TV host na si JC Garcia para sa beauty products na sikat sa Amerika — ang Skin Talk.

Actually marami silang endorsers rito at in fairness kilalang mga personalidad ang co-endorsers ni JC na nagsimulang gamitin ang Skin Talk.

Hindi lang ito magpapaganda ng skin kundi magiging glowing and flawless pa.

Sa kanyang FB ay ipinakita na ini-endorse rin niya ang kilalang brand ng dishwashing liquid dito sa atin at sa ibang bansa with matching jingle pa na si JC ang kumanta. Marami ang likes, comments, and shares ng ini-upload niyang videos na noong 2013 pa kuha.

Patuloy na napanonood si JC sa kanyang online TV show sa ATC Channel 31 BEST TV na “JC Garcia Live” every Friday 9:00 pm sa US at 1:00 pm naman sa Filipinas. Magaling na host at singer si JC kaya kung gusto ninyo ng total entertainment ay panoorin siya at hindi kayo magsisi.

Every episode ay may guest siya sa kanyang show at inaabangan lagi ang kanyang opening number dahil ang kanyang saan kinakanta ay pawang old hits.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top