Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / IED sumabog sa Basilan sundalo, sibilyan sugatan
IED sumabog sa Basilan sundalo, sibilyan sugatan

IED sumabog sa Basilan sundalo, sibilyan sugatan

SUGATAN ang isang sundalo at isang sibilyan nang sumabog ang isang improvised explosive device sa bayan ng Tipo-Tipo, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 12 Abril, isang araw bago ang pagdiriwang ng Ramadan.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hepe ng Western Mindanao Command ng Philippine Army, naganap ang insi­dente ng pagsabog dakong 6:25 am kamakalawa habang nagpapatrolya ang mga tropa ng 12th Division Reconnaissance Company sa Brgy. Baguindan, sa nabanggit na bayan.

Agad nilapatan ng pang-unang lunas ang dalawang sugatang biktima saka dinala sa isang pagamutan sa lungsod ng Lamitan.

Ani Brig. Gen. Do­mingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan ng Philippine Army, nasa ligtas nang kalagayan ang mga biktima.

Patuloy ang imbesti­gasyon sa pagtutulungan ng mga sundalo at pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa naganap na insidente ng pagsabog.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top