Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rosemarie nakaahon sa matinding pagsubok
Rosemarie nakaahon sa matinding pagsubok

Rosemarie nakaahon sa matinding pagsubok

MASAYA ang dating beauty queen turned singer na si Rosemarie de Vera dahil nakaahon na sa isang matinding pagsubok ng karamdaman habang nasa America na dinala si Rose sa ospital at maagang nalapatan ng lunas.

Nagsilbing birthday gift niya ito kay Lord. Take note, hindi Covid ang sakit ni Rose kaya siya nadala sa ospital.

Birthday din ng mommy ni Rose kaya’t doble happiness ang bigay sa kanya ni Lord.

Binantayan si Rosemarie ng kanyang poging asawa na si Giovanni Javier na tubong Bulakan. Naroon din ang  mga anak niya na nakabantay sa ospital.

BERNARD AT ARIEL
NG ESCOLTA BOYS
MAGANDA ANG BUHAY

DALAWANG member ng Escolta Boys ang sinuwerteng magkaroon ng magandang buhay. Ang Escolta Boys ay pinamamahalaan noon nina Nap Alip na nakabase ngayon sa Canada.

Ang mga sinuwerte ay sina Bernard Malonzo  na nagma-manage ng isang five star hotel sa Saipan. Dating may catering sina Bernard at napakinabangan ang bagay na ito sa abroad.

Pinsan siya ni Caloocan ex-mayor Rey Malonzo.

Ang isa pang member ng Escolta Boys na sinuwerte ay si Ariel Araullo, dating action star at father ng sikat na Kapuso star, Lovely Abella na dating Wowowin dancer.

Ang iba pa sa mga member ng Escolta Boys ay sina Leo Lazaro, Jeric Vasquez, Gerry Roman, Denniz Isla, Arlan Ysrael, Jess Bernardo, at Bobby Benitez na isa ng movie director ngayon at adviser  ng naturang grupo.

(VIR GONZALES)

 

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top