Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ima at Gerald aawit para sa pandemya
Ima at Gerald aawit para sa pandemya

Ima at Gerald aawit para sa pandemya

MAGSASAMA sina Ima Castro at Gerald Santos sa isang benefit concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC), ang Awit Para sa Pandemiya, A PMPC Virtual Benefit Concert sa April 18, Sunday, 8:00 p.m. at mapapanood sa (PHST & SGT), 5:00 a.m. (PDT) thru ticket2me.net.

Taong 2010 nang mapasama si Ima sa Miss Saigon at gumanap na Kim at dito niya pinahanga ang lahat sa husay niya bilang Kim. Hindi rin naman matatawaran ang ipinakitang husay ni Gerald nang gampanan si Thuy sa 2017 Miss Saigon.

Makakasama nina Ima at Gerald sa Awit sa Pandemiya, a PMPC Virtual Benefit Concert sina Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista, Luke Mejares, Jeric Gonzales, at Ms Kuh Ledesma with Jos Garcia, JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, at Zcentido.

Layunin ng makabuluhang proyektong ito ng PMPC ang mabigyan ng tulong medikal ang mga miyembro nito lalo na ang mga senior citizen. Maaaring bumili ng ticket sa ticket2me.net.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top