Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sen. Kiko sarap na sarap sa chicken ni Pokwang
Sen. Kiko sarap na sarap sa chicken ni Pokwang

Sen. Kiko sarap na sarap sa chicken ni Pokwang

KARAMIHAN sa celebrities ngayong pandemya ay naging online seller lalo’t wala silang regular na trabaho. Isa riyan ang komedyanang si Pokwang na nagbebenta ng mga niluluto niyang pagkain na ipino-post  sa kanyang social media account.

Noon pa naman ay nasa food business na siya at kung minsan ay ipinangre-regalo niya ito sa mga kaibigan kapag may okasyon na lahat ay sarap na sarap.

Isa sa nakapansin sa masasarap niyang luto ay si Senador Kiko Pangilinan na base sa kuwento ng maybahay niyang si Sharon Cuneta ay umorder ito para sa pananghalian nilang pamilya.

Ang caption ni Sharon sa larawan ng ulam na ipinost niya sa IG niya, ”Kiko ordered regular chicken and spicy chicken from @itspokwang27 via IG! Nakita lang niya sa feed ni Pokwang kaya naisip nyang umorder kasi mukha raw masarap. Sabi pa raw niya ‘Babayaran namin ito ha kasi business mo ito.’

“Tulungan lang talaga dapat ngayong panahon ng Covid! At napakasarap, moist at juicy naman ng luto ni Pokwang ‘di naman nagkamali itong asawa kong supportive samin ni Keanu! Lam niya kasi siguro di naman ako papansinin nun. Hahahaha! Thanks so much, Polwang! Kakamiss ka! God bless you & your family and lots of love always!”

Sumagot kaagad si Pokwang, ”Yaaaaaay thank you madam mega @reallysharoncuneta and sen @kiko.pangilinan salamat po sa suporta po and God bless sa buong pamilya (heart emoji) yaayyy kinikig ako waaaaaaa.”

Pinuri rin ng netizens ang komedyana tulad ni @rosaliearienda, @itspokwang27 I’ve watched you cooked numerous times, your technique at ‘yong process ng pagluluto always “made sense” in a way na enhance ‘yong lahat ingredients “ bukod sa pagmamahal of course. Hoping we can buy your preserved products here in TO.

Sabi naman ni @gens_lea06, ”try nyo din po @pokleefoodproducts laing nila ma, super sarap po.”

Napuri naman ni @georgiazaragoza_ ang asawa ng Megastar, ”very supportive husband! Pangilinan ka pa rin daw kasi Ma hahaha.”

Umabot naman sa mahigit 10k ang nag-like sa pagsuporta ni Sen. Kiko kay Pokwang.

Samantala, nag-post ng video si Sharon habang patapos na silang kumain na nilalagyan niya ng red wine ang wine glass ng hubby niya na wala kaya nasabihan siya ni Frankie, ”mommy, parang wala na atang laman?”

“Kaya nga pino-pour ko,” sagot naman ng mega-mom at mega-wife, ha, ha ha. (Sabay baling kay Kiko), “Show you shirt (Best Ever Dad ang nakasulat), you’re folding your abs, eh.” At nabanggit din na galisin noong bata ang senador kaya tawang-tawa ang aktres.

Ang saya-saya ng usapan nilang pamilya dahil nagbibiruan pa na kuwento ni sen Kiko, ”habang nanonood kami ng ‘Lord of the Rings’ at gusto ni Sharon si Legolas ako naman noong bata si Legalis (tawa pa rin ng tawa ang aktres pati ang mga anak sa background).

Sabay kanta nina Frankie at Sharon ng awiting ‘Kung wala ka ng maintindihan’  (Wag Ka Nang Umiyak ni Gary Valenciano).

At napansin ni Sharon ang mga puting buhok ng asawa, ”sweetheart, I dye mo naman ‘yung hair mo.”

“I like it,” sabay na sinabi nina Frankie at Miel.

“Okay lang baka ma-covid pa ako sa kaka-dye” saad naman ni sen Kiko.

Hirit ni Sharon, ”Yeah but pag nagka-apo kasi tayo hindi ko matatanggap na katabi ko lolo.”

“But daddy looks mature and refine,” say naman ni Frankie.

“Dignified!” saad ng aktres.

“Siguro ‘pag 65 na ako,” sagot ng mega-hubby ni Shawie.

“Pag 65 ka na DOM (dirty old man) na,” sabi ulit ni Sharon.

Hindi talaga lumalabas ng bahay nila ang mag-anak ngayong season 2 ng ECQ dahil may mga videos silang naglalarong lima (kasama ang tatlong anak) at doon nauubos ang oras nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top