Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kasalang Ara Mina at Dave Almarinez hindi na matutuloy? (Dahil sa pandemya)
Kasalang Ara Mina at Dave Almarinez hindi na matutuloy? (Dahil sa pandemya)

Kasalang Ara Mina at Dave Almarinez hindi na matutuloy? (Dahil sa pandemya)

MATAGAL nang nag-propose si Dave Almarinez kay Ara Mina at naka-schedule na nga ang garden wedding ng dalawa ngayong April 28 sa Baguio. Pero sabi, nagtataka ang magiging entourage ng kasalan dahil malapit na ‘yung wedding pero wala pa rin silang natatangap na abiso mula kay Ara kung ano ang motiff ng gown na kanilang isusuot.

Kaya tanong nila, matutuloy ba ang kasal o hindi nina Ara at Dave na malapit na nga ang petsa.

Well sabi ay mukhang ipo-postpone dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Hindi raw kasi simpleng wedding lang ang gusto nina Dave at Ara at bawal ang mass gatherings kaya ipagpapaliban na lang daw muna.

May nagsasabi naman na baka last minute ay ituloy pa rin ng dalawa sa April 28 ang kanilang kasal at ayaw nilang mapahiya sa mga taong magiging parte ng kanilang wedding.

Siyempre mga well known celebrity and politicians ang nakatakdang dumalo sa kasal at itong mapapangasawa ni Ara na si Dave ay parte ng Duterte government. Siya ang presidente at chief executive officer ng Philippine International Trading Corporation at negosyante rin.

Nabalita noon na 10K per plate ang budget ng pagkain sa reception ng Ara and Dave wedding pero agad itong pinabulaanan ni Ara.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top