Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Rendez nagbanta sa mga Noranian; ‘Di pagsikat isinisi sa mga bakla
John Rendez nagbanta sa mga Noranian; ‘Di pagsikat isinisi sa mga bakla

John Rendez nagbanta sa mga Noranian; ‘Di pagsikat isinisi sa mga bakla

NAGULAT kami nang buksan ang aming messenger isang madaling araw, dahil nakita namin ang dalawang video na ipinadala sa amin ng aming kaibigang si Rene. Sa naunang video, may isang lalaki na may hawak na samurai, tapos may binuksan siyang isang bag, may inilabas na rifle, nilagyan iyon ng bala tapos ikinasa.

Sa sumunod na video, isa muling lalaking hindi namin agad nakilala dahil iba na ang histsura niya ngayon na galit na galit sa mga Noranian na sinisiraan daw siya. Sinasabi raw na wala siyang power. Wala naman siyang binanggit kung sinong mga Noranian ang inaaway niya, pero nagbanta siyang ”babalikan ko kayo.”

Pinanood namin ang shocking video hanggang sa matapos, at maliwanag naman sa notice, ”John Robert Rendez was live.” Gusto naming mas maintindihan ang kuwento kung bakit, nagkataon namang on line rin ang isang kaibigan naming red blooded Noranian, o green ba? Si Ismaelli Favatinni.

Ikinuwento namin sa kanya ang napanood naming video, at ang sagot niya ay ”nakatanggap din ako ng kopya at shock pa ako.” Wala ring alam si Favatinni ng maaaring pagmulan ng pagwawala ni John.

Wala rin daw masabi ang iba pa niyang napagtanungan. In short lahat silang mga Noranian, na-shock.

Kinahapunan ay binalikan namin ang video. Natawag ang aming pansin ng isa pang napakabigat na akusasyon ni John. Sinabi niyang, ”kaya nga hindi ako sumikat sa showbiz dahil hindi ako ‘nagpagamit’ sa mga bakla.” Masyadog sweeping ang statement na iyon. Ibig bang sabihin lahat ng sumikat sa showbiz nagpagamit sa mga bakla?

Si Francis Magalona ang dumampot diyan kay John Rendez at nagdala sa kanya sa Maynila, nagturo sa kanyang mag-DJ sa disco at mag-rap, kaya nga siya nakilala ni Nora Aunor noon sa Subway eh. Sikat na sikat si Magalona, pero hindi siya pumatol sa bakla.

Noong panahong iyon, sinasabing phenomenal ang naging popularidad ni Aga Muhlach, masasabi ba niya na si Aga ay pumatol sa bakla? Si Herbert Bautista, sumikat nang husto hanggang sa maging mayor pa, pumatol ba sa bakla? Marami ang pumapatol sa bakla pero mukhang mali ang statement na ”hindi ako sumikat dahil hindi ako nagpagamit sa bakla.”

Ilan ang nagpagamit at pumatol sa mga bakla na hindi rin sumikat. Huwag na nating isa-isahin dahil wala tayong pakialam doon eh. Pero ang isang artista ay sumisikat sa showbiz dahil may talent siya. Magpagamit man siya sa isang libong bakla kung wala siyang talent, wala rin siya. Kung mayroon naman siyang talent hindi siya kailangang pumatol sa bakla at sisikat din siya.

Wala kaming pakialam doon sa pinagumumura niyang Noranian. Pero mali iyong kaisipamg sinabi niya na ang mga sikat ay nagpagamit sa bakla. Pero totoo rin namang nangyayari iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top